Monday, October 16, 2006

random thoughts
Someone gave me a pink long-stemmed rose. Grabe. It's so beautiful. Parang napaka-fragile. Kelangan talagang ingatan ba. Tapos yun yung tipong one-of-a-kind. Hindi madaling makahanap ng ganong klaseng bulaklak. Pag nakahanap ka ang swerte mo.

Kaya lang, naputol. Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko nga napansin kung papaano at kung kelan. Basta nakita ko na lang na putol na pala. Yung lalagyan niya ng tubig nilipat ko dun sa part na naputol. I could just imagine. Masakit siguro sa kanya yung nangyari no? Ako nga na from the outside nakakakita nasaktan eh, siya pa kaya.

Pero alam ko na wala akong magagawa. No matter how hard I try, nangyari na yun eh. It can't be helped. My beautiful rose is slowly dying. Right now, it's not so pretty anymore. It's petals are drying up. Theedges are turniing brown, pero yung nasa loob pink pa rin. Gaya nga ng sabi ko, hindi na siya maganda ngayon. It's going through its death.

I know it's inevitable. Nung binigay pa lang siya sa akin, feeling ko hindi siya pwedeng mamatay. Kasi sobrang ganda niya kaya ayaw kong maniwala na totoo siya. Pero siyempre, narealize ko naman na mamamatay din siya. Kahit gaano pa siya kaganda, malalanta at malalanta talaga. At oo nga, totoo siya. Yung ganda niya, totoong-totoo. Ang galing no? Tama nga, Truth is indeed lovelier than fiction..

Right now, all I can do is wait.. And pray.. And hope for the best.. Ang hopefully, soon, magdry na lahat.. Pag natuyo na siya completely, alam ko, that's the time na magiging maganda na uli siya. Oo, hindi na siya kagaya nung binigay sa akin, yung pink na buhay na buhay.. Pero it's still the same rose. Different color, but still the same.

May nagbago. Malaking pagbabago. Pero alam ko, yun pa rin yung rose ko..

*Eh ano namang pakialam ko sa bulaklak mo?? Ang tagal mong nawala tas pagbalik mo bigla kang nagdadrama tungkol sa halaman.. Tsk tsk..*