Friday, October 27, 2006

while watching harry potter for the umpteenth time
59 days na lang..

At dahil sobrang exciting ng aking sembreak, wala akong maipost na matino dito.. Napakaproductive ko, at bilang patunay, *Aba, kumusta naman ang tagalog?* Aw, shaddap!.. So yun nga, bilang patunay, *Ulit-ulit* Hanubaaaa??!!! Ay basta, so yun na nga, bilang patunay, (ulit-ulit nga..hehe) eto.. Gumawa ako ng mga listahan ng mga anik-anik.. Simula tayo saaaaaaa....

TOP FIVE MOST EMBARASSING MOMENTS NI EDEN
*Lima lang??*

Sadyang mapaglaro talaga si Tadhana, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, isa ako sa mga maswerteng nilalang na napili niyang pagtripan.. Ewan ko nga ba.. Hindi na siya nakuntentong minsan or dalawang beses.. Sa sobrang daming beses na, I've lost count.. At kahit masakit, kelangan kong tanggapin na hindi pa siya tapos sken.. *Sheesh.. anong klaseng intro ba naman yan??*

Simulan na nga lang natin..

#5 Kalayaan Residence Hall(Mess Hall)/Lunch time
Pagkakuha ko ng food ko dun kila ate someone, siyempre dumiretso ako sa table namin.. At dahil may bitbit nga ako - hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na lang muna nilapag yung dala ko - *Duh.. Kasi --nga ka..* I used my foot para ilapit sken yung upuan ko.. Eh madalas ko namang ginagawa yun, so carry lang.. Eh kaso, nagkamali siguro ako tiyempo, pag-upo ko, well..uhmm.. hindi sumakto yung upuan.. Gumalaw siya mag-isa, I swear.. *Weh??* Eh.. Basta.. Yun.. I fell, butt-first.. At habang nalalaglag ako, parang hindi pa nagreregister kung anong nangyayari..hehe.. Bigla na lang, parang hindi tama 'to.. Tas yun na pala yun.. Sa totoo lang ok lang sana eh.. Kaya lang may characters eh..hehe.. Kasama namin sa table si Kuya Aict.. O diba?? Si Kuya Aict lang naman ang witness ko.. Sa mga hindi nakakaalam, si Kuya Aict lang naman ang isa sa pinaka na RA sa kalay.. Pinakacute, pinakasweet, pinakamabait, pinaka-astig, pinaka[insert positive adjective here].. Ais no?? At eto pa ngayon, Chevy, who was sitting right next to me(ata), stood up, laughing.. She pointed at me and shouted, SHOUTED, addressing no one in particular (pero probably lahat ng sangkatauhan na nasa mess hall at that time)said, "Nakita niyo yun?? NAKITA NIYO YUN?? BWAHAHA.. NAHULOG SIYA!! NAHULOG SIYAAAA!! WAHAHAHA!!" Wow.. Nice one DQ, salamat..

#4 Kalayaan Residence Hall *Ulit??* (Mess Hall) / Lunch time *Na naman??*
Oh well.. Mukhang lucky talaga ako sa lugar na 'to eh.. *O, what happened this time??* This time around, wala na si Kuya Aict, pero may character pa rin..hehe.. *Sino??* Basta.. Pasalamat na lang ako at nakatalikod siya.. Sana hindi niya nakita, or kahit magpretend na lang siya na hindi niya nakita.. hehe..Ganun uli, galing kila ate someone, bitbit ko uli yung tray ko papunta sa table namin.. *Duh..Tapos nalaglag ka uli?? Boooriiing..* Nah-uh.. Hindi ako yung nalaglag.. Yung tray ko.. Pag lapag ko kasi sa table gumalaw uli mag-isa yung lamesa tapos hindi sumakto yung tray ko, kaya ayun, nag-darna.. Lumipad papunta sa kawalan, kasama siyempre lahat ng laman.. Ang saya nga eh.. Ang ingay kasi, lumingon tuloy lahat.. Ang sarap magpalamon sa lupa nung time na yun.. At dahil hindi ko naman na pwedeng kainin yung nasa lapag - duh, ano ako, aso?? - *Actually......Wahaha* Weh! So yun, wala akong choice kundi bumili na lang uli ng food.. Pag lapit ko, biglang nagbulungan yung mga ate at kuya.. Nagpanic naman ako, baka may masasamang-looob sa paligid at tanging ako na lamang ang hindi pa nakakaalam.. Nang biglang may isang kuya na naglakas-loob at tinanong ako..
Kuya: "Ikaw yung kanina di ba??"
Ako: blank face. blink. blink. "Ha?"
Kuya: "Yung nalaglagan ng tray ba.."
Ako(To myself) Hindiiiii!! Lupa, make lamon me noooooowwww!! (To kuya)"Ay.. opo.."
Kuya: "Kuha ka ulit oh.."
Ako:"Ay ok lang po.. Salamat na lang.." (To myself)Busog na po ako.. Nalunok ko na po yung pride ko.."
'stig dba?? Kilala na ako nila kuya.. Ako yung girl-na-aanga-anga-kaya-lumipad-yung-tray.. Yeah!

#3 Sa tapat ng Cindy's/Uwian
High school pa ako nun..*Wow.. Memories..hekhek* Madami kaming puro girls nun.. Pupunta kami somewhere..*Malamang* Eh uneven yung ground.. Hindi ko napansin na steep na pala talaga yung nilalakaran namin.. *O tapos??* Ayun.. Natapilok ako.. Bow..
Ay nga pala, nagkataon lang naman na may nakahintong jeep sa tapat ko nun, at uwian din nung school na malapit dun.. Nung bumagsak ako, tiningnan lang ako nung classmate ko, as in parang walang nangyari.. Akala niya may pinulot lang daw ako.. Kumusta naman dba?? Ang tagal nagregister sa kanya na natapilok na pala ako, and when it hit her, instead of helping me, tumawa lang siya ng tumawa, yung tawa na parang walang bukas.. Nagtatawag ata talaga siya ng attention eh.. *Wow.. You have really good friends..* Yeah, I know.. At pagtayo ko, guess what.. *What??* Nagpalakpakan yung mga nakakita.. Define nakakahiya diba?? Nagpalakpakan talaga silang lahat.. At may narinig pa 'kong sumigaw na "Nice one Miss!!".. At para mas madali nila akong makilala, orange ang bag na gamit ko.. Bright orange.. Sheesh.. Whatever..

#2 Stage (Gym ng RS) / Bb. Agham Chorva
High school ako uli nun.. Ang trip naman ni tadhana?? Eto.. Wala akong nagawa.. kahit anong iyak at sigaw ko dun sa panot na bansot na maitim na malaki ang tiyan na pangit na adviser namin sa research *Sinigawan mo??* oo, ako yung mapalad na representative ng IV-Pt.. Fastforward na tayo.. Nung talent chorva na, siyempre wala naman akong ibang pwedeng gawin dba?? Kumanta na lang ako.. *Kanta?? Ikaw?* Ay basta.. yun.. Ay mali.. hindi pala kanta yung talent ko.. PUMIYOK pala.. Impront op da hul skul populace.. Ang saya talaga.. At nakuha yun on cam.. Thanks to Jann.. Sheesh.. Nakuha din yung part na..Nevermind.. NEXT!!

At #1 we haaaaaaave.....
(drum roll pls...)

2nd year college / Molave Waiting Shed (Actually, yung pedestrian lane sa tapat ng Molave Waiting shed..)

Galing ako sa gapo, at pabalik na akong dorm nun.. Nakasakay ako sa jeep..Malamang.. Pagtapat sa waiting shed, siyempre pumara ako..Tapoooosss... Eto na ngayon..

Sa katangahang palad.. Ulupong yung jeepney driver.. Hindi ata niya alam na kelangan mag-full stop siya pag may bababa.. Duh.. I mean,saan naman siya nag-aral ng driving kung hindi nia alam yun dba??

Turns out, sa bundok siya nag-aral at hindi niya nga alam..

Hindi siya nag-full stop..

Na-out of balance ako..

Bagsak ako..
Sa daan..

All fours..

Narinig ko pa yung collective na gasp ng mga tao sa loob ng jeep.. [Puno nga pala yung jeep nun]

Pati yung mga gamit ko nadamay.. Laglag lahat.. Nagkalat sa GITNA NG DAAN..

At get this, merong nakasunod sa likod namin na pajero..

Pasalamat na lang ako at nakahinto siya.. Kung hindi.. Ewan.. Wag nang isipin..

At ang mabait na jeepney driver, huminto lang nang tuluyan nang ako ay naka-plakda na sa gitna ng kalye..

Sheesh..

Go Manong!! Go!! Pagpalain ka sana ni tadhana..

Humanda ka..

Ako ang iyong karma..
Bwahahahaha!!!!


There you go.. Yun na yun..harhar.. Sa mga naghihintay ng punchline jan, wala.. period na dun..

What's next? Ang Top 5(or ten siguro,,hehe) na Cutest/Pinakagoodlooking Guys sa Kalay ayon kay Eden.. Wahaha.. Specific no?? hehe..So yun.. Abangan..harhar

Ciao!